Thursday, December 20, 2007

the choices we make

Ang bawat gagawin ko ay isang pangako. Our freedom is aimed at making good choices. Kung sino tayo ngayon ay dahil sa mga nauna nating desisyon sa buhay. The purpose of our freedom is to narrow down our choices. Simple lang, sino ba sa inyo ang nakapag-exam na ng multiple choice test? Kung gagamitin mo ang iyong kalayaan, pipiliin mo ang isang item sa maraming choices. Kung nadesisyon mo na, halimbawa B, hindi mo na puwedeng bawiin. Tapos na; deal na. Sa gayon, ang iyong paggamit ng kalayaan ay napunta sa desisyon na iisa lamang. May pang-unawa tayo kung mas maraming options. Kapag di ka makapili, ibig sabihin, wala kang alam. Di mo alam ang tamang sagot...di mo magagamit ang abilidad na pumili. Di mo magagamit ang kalayaan.

The person who chooses only one among the various options is the person who is free. Tulad ng taong tapat sa kanyang iniisa lamang na asawa o kaya sa mga di pa nag-aasawa, tapat lamang sa kanyang iniibig. Pag pinili niya ang taong 'to, makakasama niya 'to sa habang buhay. Ang taong maraming options at hindi nagpapasya ay ang taong hindi malaya, tulad ng mga taong nangongolekta ng maraming gfs/bfs. May gf sa iba-bang parte ng Pilipinas. Walang isang pinipili. Ang taong hindi makapili ay nakokontrol ng kanyang takot. Ayaw ng masaktan kaya maraming options. Kung umayaw ang isa, may isa pa. Ang taong nakakapili ng isa ay mature. Pag nakapili ka na ng isa, game na. Bigyan ng commitment


---PBB Simbang gabi, homily

No comments: