Monday, July 09, 2007

damn heart


sampu sa panalangin ko ay maangkin
ang pusong matagal nang nasa hangin
sapagkat nabilang ko na ang araw at oras
kabaliwan itong aking paghihintay na wagas
ilang tanong na ba ang dumaan
inusisa ang siyang nararamdaman
paulit ulit na na tinatago
paulit ulit na binibigo

at
isinisigaw na bituin ang kanyang sukdulang pagsuko
sa buwan na kanyang iniibig ng buong puso
dahil wala na ren kwenta ang kanyang damdamin
sa taong napakahirap mahalin.

No comments: