
para sayo toh, ikaw na:
1. nasasaktan sa tuwing makikita mo siyang naghahanap ng iba
2. iniindiyan niya kapag napasagot niya ang long-time crush niya
3. nakita na ang pinakakadiri, pinakamasama at pinakamagulong parte ng buhay niya.
4. na kahit maganda ay hindi niya pinapansin.
5. na hanggang kaibigan lang.
6. na pumapayag na hindi siya kunsistent sa pagiging sweet.
7. na maganda at matalino, pero hindi niya magiging girlfriend
8. na simple lang at hindi papansin, pero gusto ring maging importante.
9. na iniiyakan, nirereklamuhan, ginagawang sounding board, punching bag at comforter ngunit kailanman ay hindi magiging french kiss partner.
10. na nagmamahal ng taong mahal ka ngunit hindi yung klase ng pagmamahal na kelangan mo sa kanya
.........
itaas mo ang gitnang daliri mo sa kanya
dahil natitiis mo ang katotohanang
kahit ikaw na ang perpektong babae,
hindi pa rin mahulog ang loob niya sa iyo...
itaas mo ang gitnang daliri mo sa kanya
dahil hindi niya alam kung gaano karaming luha
ang sinasayang mo gabi-gabi...
itaas mo ang gitnang daliri mo sa kanya
dahil ginawa mo na ang lahat,
pero iniindiyan ka pa din niya at dagling ipagpapalit
sa long-time crush niyang wala namang alam sa buhay...
sige lang, itaas mo, bilang pagbabanta,
na hindi habangbuhay, you'll be around...
No comments:
Post a Comment